Dalaga tumangging makipag-sex tinarakan ng kustomer
MANILA, Philippines – Kritikal ang isang 24-anyos na dalagang nagbebenta ng panandaliang aliw matapos itong saksakin ng isa niyang customer na isang pharmacist matapos magalit ang suspek ng hindi makipag-sex sa kanya ang biktima sa isang motel sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Nilalapatan ngayon ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang itinago sa pangalang Angel, residente ng Mapagkalinga St., naturang lungsod na nagtamo ng dalawang saksak ng gunting sa tiyan.
Nakakulong naman sa Pasay City Police ang suspek na si Jerick Jumilla, 27, binata, nakatira sa #2547 Sampaguita St., Santa Ana, Manila, isang pharmacist sa hindi binanggit na kumpanya.
Lumalabas sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa loob ng Room 103 ng Rotonda Hotel, sa Edsa Ave. ng naturang lungsod.
Habang naglalakad ang suspek sa naturang lugar ay nakita siya ng biktima at inalok ito ng panandaliang aliw sa halagang P1,000.
Pumayag naman ang suspek hanggang sa nagkasundo ang dalawa na mag-check-in sa naturang motel at advance na ibinigay ng suspek ang halagang pinagkasunduan nila.
Matapos makuha ng biktima ang pera at mag-se-sex na sila ay ayaw ng pumayag ng babae, dahilan upang magalit ang suspek hanggang sa nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo.
Sa kanilang pagtata-lo ay dito sinapak ng biktima ang suspek, ngunit ang lalaki pala ay may dalang gunting at inundayan niya ito ng dalawang saksak.
Bigla na lang nakarinig ng sigaw ang ilang roomboy ng kanilang puntahan ay tumambad sa kanila ang duguang biktima na agad nilang dinala sa ospital.
Nadakip naman ng rumespondeng mga pulis at papatakas na suspek.
- Latest