_ngayon
^

Metro

Hiling ng kapatid hostage-taker ’wag ng pangalanan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumutang na sa Manila Police Dis­­trict-Homicie Section ang kaanak ng napatay na hostage-taker sa isang bus, na naganap noong Huwebes ng hapon.

Sa naging pahayag ng nakababa­tang kapatid na lalaki, na nanggaling pa sa lalawigan ng Bataan at nais mag­patago ng pangalan, hiniling niya sa mga pulis at media na huwag nang ilantad ang pagkakakilanlan ng kapatid na hostage-taker dahil ayaw nilang mabigla ang kanilang ina kung mababalitaan na napatay ito sa nasabing insidente.

Nilinaw niya na hindi holdaper ang kaniyang kuya, may tatlo itong naulilang anak at nakatira sa Ilaya St., Tondo, Maynila.

Hindi rin umano nito kayang pumatay, walang naging criminal records at posibleng may matinding problema lamang kaya nagawang mang-hostage.

Nalaman lamang umano niya na napatay ang kapatid nang isang kamag-anak nila ang nag-post sa Facebook ng insidente.

“Nakikiusap po kami parang tulong na lang ninyo sa aming pamilya dahil hindi naging maganda ang kanyang pagkamatay,” ayon sa kapatid.

Kahapon ng  hapon nang magtu-ngo ang nasabing kapatid at humingi ng tulong para maipalibing ang bangkay subalit wala umano silang pera upang tubusin sa Floresco Funeral morgue.

May isang taon na umano silang hindi nagkikita ng biktima, ayon sa kapatid.

Problema umano ng kuya niya batay sa text sa kaniya na kulang ang kaniyang puhunan sa pagtitinda.

Matatandaang dakong alas 2:20 ng hapon nitong Oktubre 8 nang maganap ang panghohostage ng biktima sa isang Marielle Salvador, 16, Graphic Arts student ng Technological University of the Philippines (TUP) sa loob ng HM Transport bus sa southbound lane ng Taft Ave, Sa Ermita, Maynila.

Napatay siya sa tama ng bala sa tiyan at likod.

ACIRC ANG FLORESCO FUNERAL GRAPHIC ARTS HOMICIE SECTION ILAYA ST. MANILA POLICE DIS MARIELLE SALVADOR MAYNILA SA ERMITA TAFT AVE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with