^

Metro

Pinagbabaril na, pinagsasaksak pa: Bading tinodas ng bf at kasabwat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang umano’y bading ang pinagbabaril na ay pinag­sa­saksak pa hanggang sa mapatay ng kanyang bagets na boyfriend at isa pang kasabwat sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Anthony Tejerero, may hawak ng kaso, ang biktima ay nakilala lamang sa pangalang Papa Jun, nasa pagitan ng 30-35-anyos, residente ng Dupax St., Brgy. Old Balara sa lungsod.

Ayon kay Tejerero, dalawang lalaki ang itinuturing nilang suspect kabilang ang boyfriend ng biktima na nasa edad na 18.

Nangyari ang insidente ganap na alas-11: 30 ng gabi sa ika-limang palapag ng tinutuluyan ng biktima.

Ayon sa magkapatid na sina Rachelle at Rica Deblois, mga anak ng kahera ng biktima, nakarinig na lang umano sila ng mga putok ng baril mula sa tinutuluyan ng biktima kasunod ang mga nagmamadaling yabag mula dito.

Nang sumilip ang dala­wa sa bintana ay nakita nila ang sinasabing boyfriend ng biktima na nagmamadaling buma­baba ng hagdan at nagsalita pa na baka madamay siya dito.

Nang makalayo ang suspect nagpasya na ang dalawa na tignan ang kuwarto ng biktima kung saan naabutan nila itong walang buhay habang duguang nakahandusay sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa kaliwang dibdib, leeg, at magkabilang braso at dalawang saksak sa dibdib.

Nabatid pa ni Tejerero, bago ang insidente, alas-8 ng gabi ay nakita pa ang biktima at syota nito na pumasok sa loob ng kuwarto na may hawak pang bote ng alak.

Posible anyang ang planong pag-iinuman ng da­lawa ay hindi natuloy dahil hindi nabawasan ang alak at natunaw na lang ang yelo.

Hindi rin nagkaroon ng puwersahang pagpasok sa kuwarto. Inaalam pa ng mga awtoridad kung may nawalang gamit sa bahay ng nasawi habang tinutugis naman ang sinasabing mga suspect.

ACIRC

ANG

ANTHONY TEJERERO

AYON

BIKTIMA

DUPAX ST.

NANG

OLD BALARA

PAPA JUN

RICA DEBLOIS

TEJERERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user