^

Onsehan sa droga: Kelot todas sa kasamahan

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang binaril at napatay ng kanyang kasamahan matapos uma­nong magka-onsehan sa droga, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead on the spot ang biktimang si Jayson Lupin Santiago, ng  Phase 10 Package 3 Lot 39, Brgy. 176 Bagong Silang  ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Hindi muna binunyag ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek dahil sa isinagawang follow-up operation laban dito.

Base sa report na natang­gap ni Senior Supt. Barto­lome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw habang ang biktima ay nasa nabanggit na lugar kasama ang sus­pect. Bigla na lamang umanong nagbunot ng baril ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril si Santiago na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ang suspek naman ay ma­bilis tumakas matapos isagawa ang krimen.

Ayon kay Bustamante base sa nakalap nilang ulat mula mismo sa kaanak ng biktima, nabatid na sangkot umano ito sa droga na ito ang pinaniniwalaang motibo sa pagpaslang, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Inaalam na rin kung may CCTV camera sa naturang lugar at kung nakuhanan ang insidente.

ACIRC ANG AYON BAGONG SILANG BARTO BIGLA BUSTAMANTE CALOOCAN CITY CALOOCAN CITY POLICE JAYSON LUPIN SANTIAGO SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with