^

Metro

P100-M shabu nasabat sa drug bust operations

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P100-M halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF)sa isinagawang buy-bust operations sa boundary  ng lungsod ng Quezon at Caloocan, kamakalawa  ng gabi.

Gayunman, ayon kay  Sr. Supt. Antonio Gardiola Jr., Chief ng PNP-AIDSOTF, nakatakas sa buy bust operations ang target na pinaghihinalaang Chinese drug lord  na si Mico Tiu Tan.

Sinabi ng opisyal, bandang alas-10 ng gabi, nakipag-deal ang kanilang mga poseur buyer na bibili ng shabu sa Brgy. Monica sa hangganan ng Caloocan City at Novaliches, Quezon City.

Nabatid na nagkasundo ang mga operatiba at si Tan na magkita sa Fairview pero napansin ng suspek na may sumusunod sa kaniyang behikulo.

Dahil dito, naghinala ang target na si Tan na  isang entrapment ang kanyang napasok na transaksyon kaya napilitan itong tumakas at inabandona sa nabanggit na lugar ang sasakyan nitong Toyota Avanza (WOL 771).

Ayon naman kay PNP-AIDSOTF Spokesman Chief Inspector Roque   Merdeguia, nang inspek­syunin ang naturang sa­­sak­yan ay natagpuan ang  nasa  20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P100 M.

 “Our operatives imme­diately chased him after securing his vehicle but he suddenly disappeared. We suspect that somebody fetched him in the area,” pahayag pa ni Merdeguia.

Sinabi pa ni Merdeguia,  na posibleng ang sin­di­kato ng droga na kinabi­bilangan ng suspect ay ma­tagal ng nag-ooperate pero gumamit lamang ng ibang pangalan.

Samantalang, posibleng si Tan ay konektado rin umano sa malaking sindi-kato ng droga na nalansag na ng PNP-AIDSOTF at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-drug campaign ng mga awtoridad laban sa illegal na droga kaugnay ng napaulat na 90% ng mga barangay sa Metro Manila ay apektado ng iba’t-ibang uri ng bawal na gamot.

ACIRC

ANG

ANTONIO GARDIOLA JR.

CALOOCAN CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

MERDEGUIA

METRO MANILA

MICO TIU TAN

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with