_ngayon
^

Sasakyan sumiklab sa parking ng mall

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nabulabog ang mga kawani at mamimili sa Eastwood mall sa Libis, Quezon City makaraang sumiklab ang sunog sa basement parking area nito na lu­mamon sa tatlong mamahaling nakaparadang sasak­yan dito, kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire mar­shal, ang sunog ay nagmula sa isang residential-commercial building dito.

May apat na gusa­li, 39 storeys bawat isa na may limang basement ang mall, kung saan dagdag ni Fernandez ay nagsimula ang sunog     sa ika-apat na basement ng parking area nito.

Diumano, isang nakaparadang sasakyan sa lugar ang bigla na lang nag-spark ang ma­kina hanggang sa magsimulang umapoy.

Sa pag-apoy ng na­sabing sasakyan ay tuluyang nadamay ang dalawa pang sasakyang nakaparada, hanggang sa mapuna na ito ng mga security personnel ng mall at simulang pagtulungang apulain.

Dagdag ni Fernandez, may 28 firetrucks ang agad na rumispon­de sa lugar kung kaya uma­bot lamang sa ikatlong alarma ang sunog na agad idineklarang fire under control ganap na alas-12:27 ng tanghali.

Sa kasalukuyan, pa­tuloy ang mopping operations ng pamatay sunog sa nasabing insidente na pinaniniwalaang nag-ugat sa faulty electrical wiring ng makina ng sasakyan ang sanhi nito.

ACIRC ANG AYON DAGDAG DIUMANO EASTWOOD FERNANDEZ JESUS FERNANDEZ LIBIS QUEZON CITY SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with