Isnabero kritikal sa saksak
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondis-yon ang isang taxi driver matapos itong pagtripang saksakin ng dalawang kalalakihan dahil hindi pinansin ng biktima nang tawagin siya ng mga suspek kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rico Mackay, 43, ng #1957 Leveriza St. Pasay City, nagtamo ito ng dalawang saksak sa dibdib at kanang kamay buhat sa isang patalim.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Jayson Calixto, ng #332-G Villanueva St. at Jonathan Carolino, ng Leveriza St., ng nasabing lungsod.

Sa report na natanggap ni P/Sr. Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-4:00 ng madaling araw sa Leveriza St., ng nasabing lungsod.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar pauwi ng kanilang bahay, nang madaanan nito ang mga suspek na nakikipag-inuman kasama ang ilang kaibigan.

Tinawag ng mga suspek ang biktima, subalit hindi pinansin ng biktima dahil sa mga lasing.

Biglang tumayo ang mga suspek at walang salitang pinagsasaksak ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang biktima naman ay dinala ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente.

ANG G VILLANUEVA ST. JAYSON CALIXTO JOEL DORIA JONATHAN CAROLINO LEVERIZA ST. LEVERIZA ST. PASAY CITY MGA PASAY CITY PASAY CITY POLICE RICO MACKAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with