‘Shabu queen’ sa Quezon City, timbog
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Arestado sa isinagawang buy bust operation ng Quezon City Police District ang  tina­guriang shabu queen sa lungsod  kung saan nasamsam dito ang  P2.2  milyon halaga  ng shabu kahapon.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo G. Tinio ang nadakip na suspek na si Merlita Samson, alyas Merly, 45, leader ng  ‘Amalie Drug Group’ at residente ng Sitio San Roque, Brgy. Pag asa sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Gen. Tinio, ang pagkakadakip sa suspek ay may kaugnayan sa pa­tuloy na operasyon ng QCPD matapos ang isinagawang drug bust operation noong nakaraang linggo kung saan ay napatay ang dalawang ka­sapi ng nabangit na grupo sa Brgy.  Greater Fairview at isa pang drug operation sa Sta Teresita.  

Base  sa report, dakong alas-4:30 ng madaling araw kahapon, inilatag  ang ope­rasyon ng District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) sa Hilltop st., cor., Araneta Ave­nue, Brgy. Tatalon, Quezon City sa pamumuno ni P/Supt. Enrico Figueroa.

Isang poseur buyer ng QCPD ang nagsaayos ng drug deal sa suspect.

Matapos ang pag-uusap at senyas ng poseur buyer ay dinamba ang suspek kung saan nakumpiska dito ang 2 zip lock plastic ng shabu. Nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso.

ACIRC ANG ARANETA AVE BRGY CHIEF SUPT DIRECTOR P DISTRICT ANTI DRUG GROUP DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP EDGARDO G NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with