Gun running syndicate ni Jaworski, hahalukayin
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Joel Pagdilao ang paghalukay sa sindikato ng ‘gun running’ na posibleng kinaaniban ni Ryan Joseph Jaworski.

Sinabi ni NCRPO spokesperson, Chief Insp. Kimberly Gonzales na nais malaman ni Pagdilao ang lalim ng ope­rasyon sa pagbebenta ng iligal na mga baril ng grupo ni Jaworski lalo na’t papalapit ang halalan.

Nilinaw naman ng Regional Police Intelligence and Operations Unit (RPIOU) na buy bust sa pagbebenta ng baril ang kanilang ginawa at hindi ukol sa iligal na droga.

Isang linggo umano nilang isinailalim sa pagmamanman ang grupo ni Jaworski bago ikinasa ang operasyon sa panulukan ng Chino Roces Avenue at Pasay Road sa Makati City.

Arestado sa operas­yon si Ryan Joseph, 40, anak ni basketball le­gend Robert Jaworski at driver nitong si Joselito Au, 52. Nakatakas naman ang kasamahan nila na si Fernando Parago.

Narekober sa mga suspek ang isang shotgun rifle, 19 na pirasong fire cartridges mula sa M-16 rifle, 14 mula sa  9mm at 2 piraso mula  sa caliber .40.

Sugatan sa insidente si Jaworski makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis. Isinugod ito sa Makati Medical Center.

Nakatakdang sampahan naman ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Law on the Possession of Firearms and Ammunitions, direct assault at attempted murder makaraang bundulin ng mga suspek ang sasak­yan ng pulisya na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang pulis.

ACIRC ANG CHIEF INSP CHIEF SUPT CHINO ROCES AVENUE COMPREHENSIVE LAW FERNANDO PARAGO JAWORSKI JOEL PAGDILAO JOSELITO AU KIMBERLY GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with