Ginang nagbaril sa sarili, patay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang ginang na hinihinalang nagbaril sa sarili sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, ang biktima ay nakilalang si Mary Jane Gacita, 32, accountant at residente ng Santa Barbara, Brgy. Tandang Sora sa lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni Capili mula sa kaanak nito na limang taon nang kasal ang biktima kung saan nakatakda sanang umuwi ng bansa mula Australia ang lalaki para dito magdaos umano ng kanyang birthday sa Oktubre 27.

Sabi ni Capili, ang biktima ay nadiskubre ng kanilang kaanak at nagsisilbi ring kasambahay na si Marcy Baliwag, habang duguang nakahiga sa master’s bedroom, alas -2 ng madaling araw.

Bago ang insidente, nakatanggap umano ng tawag sa telepono si Baliwag mula sa asawa ng biktima na si Val Rumanban na nagta-trabaho bilang Engineer sa Australia na nagsabing itsek ang biktima sa loob ng kuwato nito.

Matapos na makausap ni Baliwag ang among lalaki ay agad na pinuntahan ng una sa kuwarto ang biktima kung saan niya ito nadatnang duguang nakahiga sa may dressing room habang nasa tabi naman nito ang isang baril.

Agad na tumawag ng tricycle si Baliwag at itinakbo ang biktima sa Global Pacific Medical Center kung saan idineklara itong dead on arrival.

Sa cursory examination ay lumabas na ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib na tumagos sa kanyang likuran.

Narekober naman ng mga nagsiyasat na imbestigador ang isang kalibre .38 baril na may lamang limang piraso ng bala at isang basyo ng bala sa may cylinder nito.

Sabi ni Capili, base sa pahayag ng ka­anak nito, maaaring may problema umanong namamagitan sa pagitan ng mag-asawa, dahil hindi na umano sila nag-uusap at tanging si Baliwag ang tinatawagan ng lalaki para tignan ang biktima sa kuwarto na madalas na laging tulala.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

ANG BALIWAG BIKTIMA CAPILI GLOBAL PACIFIC MEDICAL CENTER HERMOGENES CAPILI MARCY BALIWAG MARY JANE GACITA SABI SANTA BARBARA TANDANG SORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with