Model/talent sa TV network, bugbog-sarado sa mag-utol
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang model at talent ng isang television network, na boyfriend ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez matapos itong pagtulungang gulpihin ng magkapatid na kaanak naman umano ng kilalang pulitiko sa Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas sa Asian Hospital ang biktimang si Karlo Alfonso Santiago, 26, ng Ayala Alabang Village ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga   pasa,   sugat at  bukol sa ulo .

Kinilala naman ang mag-kapatid na suspek na sina Christian at Angelo Joson, kaanak umano ng angkan ng mga Joson sa Nueva Ecija. Ang mga suspect  ay sasampahan ng mga kasong frustrated homicide, serious physical injuries, at child abuse.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Ayon sa pahayag ng ama ng biktima na si Alfonso Santiago, magkakasama sila ng anak niyang si Karlo  at ang 3-anyos na apo sakay sila ng isang  blue golf cart.

 Habang palabas sila ng kanilang compound ay biglang bumalandra  ang isang kulay puting Toyota Prado ( XLU-831), na sakay ang magka-patid na suspek.

Nagulat ang mag-amang Karlo at  Alfonso at bigla na lamang bumaba ang isa sa mga suspek ng  sasakyan  at sinita ang matandang Santiago habang hawak naman nito ang apo.

Kung saan sinabihan  ng mga suspek,  ang matandang Santiago, na ang  “ang angas mo ah! may sinasabi ka ba?”, hanggang sa dito na sila nagkaroon ng mainitang pagtatalo at nagbitiw pa ng salita ang magkapatid na Joson,  “baka hindi ninyo kami kilala mga Joson kami ng Nueva Ecija”.     

Dahilan upang umawat si Karlo, subalit siya ang pinagbalingan ng magkapatid na Joson hanggang sa pinagtulungan itong gulpihin at nang mawalan ng malay ang biktima ay dali-daling pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sasakyan at mabilis na tumakas.

Ang wala namang malay na si Karlo ay dinala ng kan­yang mga kaanak sa naturang ospital.

Nabatid na si Karlo ay isang model at isa umano sa mga talent ng GMA Chanel 7 at  nobyo ng anak nila Alma at Joey na si Wynwyn Marquez.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow-up ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police laban sa magkapatid na Joson at inaalam na rin kung may nakakabit na CCTV camera sa lugar na nakakuha sa insidente.

ALFONSO SANTIAGO ALLAN NOBLEZA ALMA MORENO ANG ANGELO JOSON JOSON KARLO MGA MUNTINLUPA CITY POLICE NBSP NUEVA ECIJA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with