Magkaklase na-trap sa sunog, patay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dalawang dalagita ang nadiskubreng patay, ilang oras matapos sumiklab ang sunog sa ilang kabahayan sa Brgy. Sauyo, sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, isa sa mga biktima ang nakilalang si Crystal Jane Galvez, 15, residente Area  ng 6-A, Sitio Cabuyao, Novaliches at ang  kaklase ng una na si Ronalei Magaan, 14, residente din sa naturang barangay.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Rhic Roldan Pittong, ng QCPD-CIDU, ang mga biktima ay nadiskubre ng may-ari ng nasunog na bahay na si Ronel Saguid, ganap na alas- 7 ng gabi.

Nauna rito, alas -2:30 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa isang palapag ng bahay na pag-aari ni Saguid.

Sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) fire marshal Supt. Jesus Fernandez, nagsimula ang sunog sa sala ng bahay dahil  umano sa nag-overheat na television set dito.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago idekla-rang fire out ito alas-3:15 ng hapon, kung saan tatlong bahay ang nadamay at 12 pamilya ang naapektuhan.

Limang oras matapos ang sunog, nagpunta si Saguid sa kanyang bahay para tignan ang lawak ng pinsala nito. Sa kanyang paggalugad ay saka nadiskubre nito, ang bangkay ng mga biktima habang bahagyang natatakpan ng bumagsak na debris.

Sa panayam kay Mary An Peñas, imbestigador ng Barangay Public Safety Officer ng Sauyo, hindi kaagad nadiskubre ng kagawaran ng pamatay-sunog ang mga namatay dahil natatabunan ang mga ito ng mga nagbagsakang debris.

Sinasabing nag-aaral ng kanilang leksyon ang dalawa nang mangyari ang insi-dente na hinala ng barangay opisyal na maaring na-trap ito sa loob matapos sumiklab ang sunog.

Sa kasalukuyan, nagsa-sagawa ng follow-up investigation ang CIDU sa nasabing insidente.

ANG BARANGAY PUBLIC SAFETY OFFICER BUREAU OF FIRE PROTECTION CRYSTAL JANE GALVEZ JESUS FERNANDEZ MARY AN PE QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT RHIC ROLDAN PITTONG RONALEI MAGAAN RONEL SAGUID SAGUID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with