^

3 kubrador ng jueteng, tiklo

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Tatlong umano’y kubrador ng jueteng ang inaresto ng mga awtoridad makaraang maaktuhan na nagpapataya sa mga residente ng Pasig City kahapon ng umaga. Kinilala ni Eastern Police District Director Senior Supt. Elmer Jamias ang mga suspek na sina Raul Bucayan, Dolores Ogario, at Marlyn Beatriz na pawang nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bagong Ilog, Pasig City. Nakuha sa tatlo ang ibat-ibang paraphernalia na ginagamit sa sugal na jueteng tulad ng puting papel na nakasulat ang kumbinasyon ng numero, ballpen at tatlong bag  na may lamang  P3,000 cash. Nakakulong ngayon ang tatlo sa Pasig City Police at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 1602. o illegal gambling.

BARANGAY BAGONG ILOG DOLORES OGARIO EASTERN POLICE DISTRICT DIRECTOR SENIOR SUPT ELMER JAMIAS KINILALA MARLYN BEATRIZ NAKAKULONG NBSP PASIG CITY PASIG CITY POLICE RAUL BUCAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with