^

Metro

Dawit sa droga, itinumba sa mismong bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong sa loob ng kanyang bahay tinodas ang isang lalaki na sangkot uma­no sa pagtutulak sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Enrico Juance, 48, ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon, ng naturang lungsod. Hindi naman ginalaw ng mga salarin ang live-in partner nito na si Rowena Jordan.

Sa ulat, dakong alas- 10:15 ng gabi nang pasukin ng dalawang salarin ang bahay ni Juance. Isa ang agad na bumaril sa biktima na tinamaan sa ulo at katawan habang nagsilbing look-out naman ang isa pa.

Narekober naman sa loob ng bahay ng suspek ang 10 basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at 10 maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na kasama sa watchlist sa mga pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang biktima habang maaaring onsehan ang dahilan ng pamamaslang.

ACIRC

ANG

BRGY

ENRICO JUANCE

ISA

JUANCE

KAUNLARAN ST.

MALABON CITY

MISMONG

MUZON

ROWENA JORDAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with