_ngayon
^

Ikatlong tutok, pumutok! Kelot todas sa Russian roulette

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Minsan pang napatunayan na ang paglalaro ng baril ay walang kahahantungang mabuti, matapos na isang 22-anyos na lalaki ang nasawi nang pumutok ang baril sa kanya mismong sentido habang pinaglalaruan ito sa harap ng kanyang kaibigan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Si Richard Cabredo, ng 69 Nitang St., Brgy. Gulod ay tinangka pang isugod ng kanyang mga kaibigan sa ospital, pero sa daan pa lang ay nalagutan na ito ng hininga.

Ayon kay PO3 Jaime de Jesus, nangyari ang insidente sa loob ng isang bahay sa #075 Cariñosa St., Villa Verde Subdivision, Brgy. Sta Monica alas 4:30 ng madaling araw.

Sinasabing nasa loob ang biktima at kaibigan nitong si Julius Robillano nang kunin ng una ang kanyang kalibre .38 baril at paglaruan ito.

Sa paglalaro ng baril ng biktima ay isinasabay nito ang pagtutok saka tinatangkang barilin ang sarili. 

Pero sa ikatlong pagtatangka ng biktima ay pumutok ang baril sapul ang kanyang kanang sentido, dahilan para agad na buhatin siya ni Rabillano at ilang kaibigan saka isakay sa isang tricycle para isugod sa ospital, pero habang nasa daan ay nalagutan na rin ito ng hininga.

Matapos nito, humingi ng tulong ang mga kaibigan sa security personnel ng subdibisyon na siya namang nagreport ng insidente sa otoridad.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .38 baril at isang basyo ng bala.

ANG ATILDE AYON BARIL BRGY CARI JULIUS ROBILLANO NITANG ST. SI RICHARD CABREDO STA MONICA VILLA VERDE SUBDIVISION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with