^

Metro

‘Tiktik’ tumanggap ng P1.5-M sa PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang impormante ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tumanggap ng cash reward na aabot sa P1.5 milyon dahil sa impormasyong ibinigay nito na nagbunga sa pagkakabuwag ng malaking sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Ayon sa PDEA, ang tipster na pinagkalooban ng gantimpala ay itinago sa pangalang Eboy, isang concerned citizen na binigyang pagkakataon ng kagawaran para mapabilang sa tinatawag na Operation Private Eye (OPE).

Ang paggawad ng monitary reward ay ginawa sa PDEA National Headquarters sa Quezon City, sa pamamagitan ng isang maikling seremonya na iginawad ni PDEA Director General Under­secretary Arturo G. Cacdac, Jr.

Si Eboy, ayon sa opisyal, ang nakapagbigay ng impormas­yon na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang malaking labora­toryo ng shabu sa Masbate noong February 14, 2015.

Ang pagsalakay sa laboratoryo ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) at PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa bisa ng isang search warrant na inisyu ng korte sa naturang lalawigan.

Sabi ni Cacdac, ang OPE ay isang citizen-based information  collection program ng PDEA, Dangerous Drugs Board (DDB) at mga non-government organizations na kaanib sa nasyunal na kampanya laban sa iligal na droga.

Ang  Private Eye Rewards Committee, ay kinabibilangan ng mga miyembro mula sa academe, non-government organizations, law  enforcement, religious at business sectors, na nag-apruba ng isang resolusyon para sa gantimpalang P1.5 million sa impormanteng si Eboy.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTURO G

CACDAC

DIRECTOR GENERAL UNDER

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EBOY

NATIONAL HEADQUARTERS

OPERATION PRIVATE EYE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with