^

Metro

Ama ng beybi na namatay sa pinadedeng tubig, kinasuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihain  na ang ka­song­ parricide sa Manila Prosecutor’s Office laban­ sa isang 36-anyos na ama na sinasabing nagpabaya sa sanggol na anak na nalunod sa ipinadedeng tubig na ikinamatay nito sa Tondo, Maynila, noong nakaraang Huwebes.

Ayon kay SPO2 Do­nald Panaligan, ng Manila Police District-Homicide Section,  siya na ang tu­mayong complainant laban sa suspek na si Rogin Ramirez, ng Lico St., Tondo, Manila, kaugnay sa pagkamatay ng isa’t kalahating buwang gulang na sanggol na si Regine Ramirez. Paliwanag pa nito, ang kasong parricide ay maaring isampa dahil ikokonsidera itong case versus People of the Philippines.

Gagamiting ebidensiya ang naging autopsy report findings na “Asphy­xia by water aspiration” ang ikinasawi ng sanggol.

Isa pang pinagbata­yan ang naging testimonya ng pamangkin ng suspek na si Ceejay Briones na nagsabing nang umiiyak ang biktima dakong alas-10:00 ng umaga ay pinadede ito ng suspek ng tubig subalit hindi pa rin tumigil sa pag-iyak kaya ito kinarga at ibinalik sa kama at ang mga sumunod ay hindi na niya nakita dahil lumabas na siya ng bahay.

Nabatid na isinugod pa sa Ospital ng Tondo ang sanggol subalit hindi na ito nailigtas.

ACIRC

ANG

ASPHY

CEEJAY BRIONES

LICO ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA PROSECUTOR

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

REGINE RAMIREZ

ROGIN RAMIREZ

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with