Re-blocking na naman, matinding trapik asahan
(Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Asahan na naman ang matinding pagsisikip ng trapiko ngayong weekend sa ilang lansangan sa Metro Manila ka­ugnay sa pagsasagawa uli ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA). Sinimulan  alas-10:00 kagabi ang road re-blocking at matatapos ito sa Lunes (Agosto 17) alas-5:00 ng umaga.

Apektado sa re-blocking ang bahagi ng northbound partikular ang kahabaan ng  C-5 Road pagitan ng FR Cement hanggang  Petron gasoline station  na patungong Lanuza Street, (innermost  lane) ng Pasig City. Kaya payo ng MMDA sa mga motorista, iwasan ang nabanggit na lugar upang hindi maabala sa trapik. (Lordeth Bonilla)

ACIRC AGOSTO ANG APEKTADO ASAHAN DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS LANUZA STREET LORDETH BONILLA METRO MANILA METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO PASIG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with