^

Plaka ng 62 units ng Valisno, kinumpiska ng LTFRB

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Kinumpiska na ng mga elemento ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga plaka  ng mga bus units ng Valisno Express Bus, kahapon.

Ito ayon sa LTFRB ay makaraang dalhin ng mga tauhan ng ahensiya  ang 30 days suspension order ng ahensiya laban sa bus company.

Inamin din naman  ng LTFRB na may problema ang re­histro ng naaksidenteng bus ng Valisno Express na dito maaari anyang magkaproblema  dahil nakasaad  sa polisiya ng in­surance company  ng Valinso na kailangang maayos ang mga dokumento nito.

Dumipensa naman si LTFRB chairperson Winston Ginez na walang humpay ang kanilang inspeksyon sa mga bus company. Alinsunod na rin anya ito sa mandato nilang makapagsiyasat ng 100,000 bus units sa buong bansa, na isa sa mga kapalit ng pondong iginawad sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM).

Maaari anyang hindi lamang napasama ang Va­lisno sa unang batch ng mga nasiyasat na kompanya. Sa kabila nito, nakatanggap naman anya ang LTFRB ng sulat mula sa in­surance company na tutulong ito sa mga biktima.

ACIRC ALINSUNOD ANG BUS DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD MGA NBSP VALISNO EXPRESS VALISNO EXPRESS BUS WINSTON GINEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with