Produktong petrolyo, muling magtatapyas ng presyo
(Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Inaasahang muling magtatapyas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa darating na linggo.

Kinumpirma ni Energy OIC Secretary Zenaida Monsada na may inaasahang roll back sa susunod na linggo.  Bagama’t tumanggi naman itong  magbigay ng eksaktong numero, mababa anya sa piso ang maaaring itapyas sa presyo.

Kung matutuloy, ito na ang pang-walong pagbaba sa presyo ng petrolyo sa sunud-sunod na linggo at umaabot na sa P4.40 na ang kabuuan na ibinaba ng presyo ng diesel samantalang P3.55 naman sa gasolina.

Paliwanag pa niya, mabilis umano ang paglaki ng supply kumpara sa demand.

Hindi na anya ganoon kalaki ang inaangkat na langis ng America, na siyang pinakamalaking konsyumer ng langis sa mundo, dahil sa unti-unti nang dumarami ang small-time producers ng langis doon.

Puna ni Monsada, kapag nagtaas ng presyo ang langis­, sumusunod din sa pagtaas ang ibang bilihin, su­balit ngayong bumababa ang presyo ng langis, nananatili pa rin ang presyo ng mga kalakal. (Lordeth Bonilla)

 

ACIRC ANG BAGAMA INAASAHANG KINUMPIRMA LANGIS LORDETH BONILLA MONSADA PALIWANAG PRESYO SECRETARY ZENAIDA MONSADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with