_ngayon
^

14 timbog sa drug den raid sa Parañaque

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Arestado  ang 14 katao   matapos salakayin ng mga tauhan ng   National Bureau of Investigation (NBI)  ang isang  drug den sa Parañaque City.

Sa ulat ni NBI-Anti Illegal Drugs Unit (NBI-AIDU) chief, Atty. Joel M. Tovera, kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek  na kinabibilangan ng tatlong babae.

Kabilang sa mga kinasuhan ang pakay ng tatlong search warrants na sina Ma. Louthela Taylor, isang alyas Bartolome  at  isang alyas “AT”, na pawang may-ari o nagkokontrol umano ng drug den sa residential houses sa V. Fernandez St., BF Homes, Parañaque City.

Nang salakayin nasamsam ng mga operatiba ang ilang sachets ng shabu, mga disposable lighter, aluminum foil at nakunan din ng nakatanim na isang Marijuana tree  sa nasabing drug den, bandang hapon noong Hulyo 24.

ARESTADO ATILDE BARTOLOME DRUGS UNIT FERNANDEZ ST. HULYO JOEL M KABILANG LOUTHELA TAYLOR NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with