VIP security officer, patay sa kasamahan
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang VIP security officer matapos itong ilang ulit barilin ng kanyang kasamahan nang magtalo ang dalawa dahil hindi sumasagot ang suspek habang tinatawagan sa radyo ng biktima, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Manila Adventist­ Hospital ang biktimang si Nicky Albert Arevalo, 34, ng  Dagat-Dagatan, Caloocan City sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang suspek na si Rolly Algarme, isa ring VIP security officer, nakatira sa ARESCOM, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa report na natanggap ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Senior Supt. Sidney Hernia, naganap ang insidente ala-1:15 ng madaling-araw sa loob ng isang pribadong parking lot sa Leveriza St., ng naturang lungsod.

Hindi naman binanggit ng pulisya kung sino ang VIP na binabantayan ng mga ito.

Bago ang pamamaril, tinatawagan ng biktima ang suspek sa hand-held radio, subalit hindi sumasagot si Algarme.

Dahil sa hindi pagsagot ng suspek sa radyo, nainis dito ang biktima hanggang sa nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa kainitan ng pagtatalo ay binunot ng suspek ang kanyang service firearm at tatlong ulit pinaputukan ang biktima.

Duguang bumulagta ang biktima at dali-dali itong dinala ng kanyang mga kasamahan   sa nabanggit na ospital, subalit habang nilalapatan ito ng lunas ay namatay din ito.

Ang suspek naman ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril at ang insidente ay nasaksihan ng kasamahan din nilang VIP security officer na sina Melquiades Quides at Jhun Bonillo. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

CALOOCAN CITY FORT BONIFACIO JHUN BONILLO LEVERIZA ST. MANILA ADVENTIST MELQUIADES QUIDES NICKY ALBERT AREVALO PASAY CITY PASAY CITY POLICE OFFICER-IN-CHARGE ROLLY ALGARME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with