Clearing operation sa bumagsak na girder launcher, itinuloy
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Muling itinuloy kama­kalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw ang clearing operation hinggil sa bumagsak na girder launcher mula sa ginagawang NAIA Expressway Project sa panulukan ng Andrews Avenue at Tramo St., Pasay City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-4:00 kahapon  ng mada­ling-araw natanggal ang isa sa dalawang bahagi nang  bumagsak na girder launcher.

Kinailangan pa uma­nong hatiin ito sa tatlo para maisakay sa trailer truck.

Pansamatala munang itinigil ang clearing operation dahil magdudulot  na naman ito ng matinding trapik sa ilang panguna­hing lansangan ng Metro Manila lalu na sa naturang lugar at muling itu­tuloy ang clearing operation hinggil sa bumagsak na girder launcher alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw upang maiwasang magsikip ang trapiko at hindi maging delikado para sa mga motorista.

ANDREWS AVENUE AYON EXPRESSWAY PROJECT KINAILANGAN METRO MANILA METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY PANSAMATALA PASAY CITY TRAMO ST.
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with