^

Metro

Pagkadena sa 4 na preso, pinabubusisi ng NCRPO

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestiga­han  na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Carmelo Valmoria ang litratong lumabas sa social media hinggil sa apat na preso na ikinadena ang mga kamay habang papalabas sa isang tang­­gapan para ilipat sa Manila City Jail, kama­kalawa ng umaga.

Ang naging hakba­ngin ni Valmoria ay ma­tapos kumalat ang mga litrato ng mga preso sa social media na naka­kadena ang mga kamay at naka-padlock habang inilalabas ng ilang jail officer, mga pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Integrated Jail.

Ayon kay Valmoria, kanya nang inatasan si MPD Director Chief Supt. Rolando Nana, na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil dito.

“Ito po ay aming aalamin kung bakit hindi posas ang ginamit ng mga pulis sa apat na bilanggong ito at inatasan ko na po ’yun district director na magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito,” pahayag pa ni Valmoria.

Dahil dito, umani ng batikos sa netizens ang larawan dahil sa hindi umano maka­­tao ang ginawa ng mga pulis sa mga preso.

Dumepensa naman ang Manila Police District (MPD) sa paggamit ng kadena sa apat na itinuturing na high value detainees.

Ang ordinaryong posas diumano ay mas ma­daling makalas nang pasubukan sa mga kapwa­ detainees kaya gumamit na lamang ng kadena at padlock.

Nag-ugat ang isyu nang maging trending sa social media ang isang kuha na nagmumukhang kawawa ang 4 na preso, kung saan inakala rin ng netizens na ang isa sa apat ay babae.

Katunayan, ang naka­suot pambabae ay isang bading, ang isang matandang lalaki ay ba­ding din. Tatlo sa kanila ay nahaharap sa kasong human trafficking dahil sa pambubugaw sa mga dalagita o menor-de-edad na nai-recruit sa Maynila at ibinebenta sa isang night club sa Apanay, Alicia, Isabela. Isa rito ay may kasong murder.

vuukle comment

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

DIRECTOR CHIEF SUPT

INTEGRATED JAIL

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with