Bebot, timbog sa pamemeke ng SARO

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation  ang isang  babaeng sangkot umano sa sindikato ng namemeke ng Special Allotment Release Order (SARO), kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni NBI director Virgilio Mendez  ang suspek na si Christine Joy Angelica Gonzales,  may mga  alyas  na Angela Liwanag at Angela Gonzales, residente ng Upsilon Drive, Capitol Hills, Diliman, Quezon City.

Kaagad siyang naisalang sa inquest proceedings sa QC Prosecutor’s Office sa  kasong syndicated estafa at falsification of private individuals and use of falsified documents, na kahapon din ay nagpalabas na ng resolusyon ang piskalya na nagrerekomendang isampa na sa korte ang kaso na may katapat na piyansang  P30-libo para sa pansamantalang paglaya.

Isinagawa ang operasyon alas-4:00 ng hapon sa isang fastfood chain sa lungsod Quezon na pinangunahan ng Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD)  ng NBI.

Nabatid na inireklamo mismo ng  Assistant Secretary/Chief of Staff ng Department of Budget and Management (DBM) na si Clare Amador sa NBI ang kaso laban sa suspek  makaraang dumulog sa kanila ang mga contractor na sina Ariel Garcia at Irene Simbulan na diumano’y nilapitan ng suspek para sa farm to market  road project sa Pakil, Laguna na nagkakahalaga ng P20-milyon.

Reklamo umano ng dalawang kontraktor, nakapagbigay na sila ng P1-milyon cash advance para tiyak na makokopo ang proyekto. Pero dahil humihingi ng karagdagang P500-libo ang suspek para sa hiwalay na proyekto na may kinalaman sa medisina na nagkakahalaga ng P50-milyon, nagpasya silang iberipika ito sa DBM at natuklasang peke ang SARO na ipiniprisinta nito.

ANGELA GONZALES ANGELA LIWANAG ANTI ORGANIZED AND TRANSNATIONAL CRIME DIVISION ARIEL GARCIA ASSISTANT SECRETARY CAPITOL HILLS CHIEF OF STAFF CHRISTINE JOY ANGELICA GONZALES CLARE AMADOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with