Beybi, itinapon sa footbridge
(Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang sanggol na nasa pagitan ng pito o walong buwan ang natagpuang bangkay na nakabalot sa isang sako ng basura matapos itapon sa footbridge sa lungsod Quezon.

Ayon kay PO2 Shun Patrick Petuco,  wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng sanggol nang matagpuan sa footbridge sa kahabaan ng Luzon Avenue, kanto ng Commonwealth Avenue­, Brgy. Culiat.

Nadiskubre ang nasabing nilalang ng isang grupo ng mga paslit na lalaki na naglalakad sa naturang footbridge.

Nang kanila itong buksan ay saka nabatid ang naagnas nang bangkay ng sanggol na natatabunan ng kulay brown na tela.

Sinasabing tatlong araw nang nakikita ang sako na nakatambak sa nasabing footbridge. (Ricky T. Tulipat)

 

AYON BRGY COMMONWEALTH AVENUE CULIAT ISANG LUZON AVENUE NADISKUBRE NANG RICKY T SHUN PATRICK PETUCO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with