Dahil sa sirang riles: Biyahe ng MRT-3, itinigil
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pansamantala na namang itinigil ang  biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga makaraang ma-detect at mapansin ng isang operator na putol ang riles ng tren.

Ayon kay MRT-3 General Manager Roman Buenafe, dakong alas-5:45 ng madaling araw nang patigilin ang north-bound line ng MRT-3 train sa pagitan ng Boni Avenue at Guadalupe Stations.

Sinabi ni Buenafe, napilitang pababain ng tren ang mga pasahero na naglakad na lamang­ sa gilid ng riles pabalik sa Boni Avenue­ Station na siyang dahilan ng pagka-inis at pagkadismaya ng mga ito.

Nalimitahan ang operasyon ng tren mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations hanggat hindi naisaayos ang nasirang riles.

Dakong alas-6:15 na ng umaga nang matapos ang pagkukumpuni sa riles, nilagyan ng ‘clamps’ at muling nagbalik sa normal ang operasyon ng MRT-3. (Mer Layson)

 

AYON BONI AVENUE BUENAFE GENERAL MANAGER ROMAN BUENAFE GUADALUPE STATIONS MER LAYSON METRO RAIL TRANSIT NORTH AVENUE SHAW BOULEVARD
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with