Jolo Revilla nakalabas na sa ospital
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakalabas na ng ospital si Cavite Vice Governor Jolo Revilla matapos ang pagkakabaril nito sa kanyang  sarili sa bahay ng kanyang mga magulang sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Atty. Raymond Fortun, tagapagsalita ng pamilya Revilla, Linggo ng gabi nang ma-discharge si Jolo mula sa Asian Hospital at sa bahay na lamang nila  sa Ayala Alabang Village nito ipagpapatuloy ang pagpapagaling.

Kasabay nito, humiling din ang batang Revilla na mabigyan siya ng 30-araw na leave bago tuluyang bumalik sa trabaho maliban kung may iniinda pang karamdaman.

Matatandaan, na noong Pebrero 28 ng taong kasalukuyan araw ng Sabado, alas-9:00 ng umaga nang aksidente umanong mabaril ng naturang bise gobernador ang sarili mula sa nililinis nitong kalibre .40 Glock pistol dahilan upang malagay sa kritikal na kondisyon ang buhay nito matapos magkaroon ng ilang kumplikasyon.??

Dahil sa insidente, pinayagan ng Sandiganbayan ang kanyang amang si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na makalabas ng kulungan  para  bisitahin  ito sa ospital.

Nagpasalamat naman ang pa­milya Revilla sa mga taong nagdasal para sa mabilis na paggaling ni Jolo.

 

ASIAN HOSPITAL AYALA ALABANG VILLAGE CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA JOLO MUNTINLUPA CITY RAYMOND FORTUN REVILLA REVILLA JR. SENATOR RAMON
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with