Obrero inutas ng ka-trabaho

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan matapos ang pagtatalo hinggil sa kanilang mga trabaho habang nag-iinuman sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw. Si Rene A. Nicol, 31, ng Las Piñas City ay nagawa pang maisugod sa ospital pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay, ayon kay SPO2 Pascual Fabreag. Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspect na si Rogelio Rapado Jr., 31, ng Diamond St., Molave, Payatas na agad na tumakas makaraan ang krimen. Nabatid na ang biktima at suspect ay kapwa trahabador ng isang proyekto sa ginagawang subdibisyon sa Montville Place, Brgy. Sauyo sa lungsod. Nangyari ang insidente sa harap ng kanilang barracks sa nasabing subdibisyon, ganap na ala-1 ng madaling-araw. Bago ito, masaya umanong nag-iinuman ang biktima at suspect kasama ang iba pang co-worker nito na sina Rolly Erlandez at Junrey Labe sa lugar kung saan napag-usapan umano ng mga ito ang kanilang trabaho. Sa usapan, bigla na lamang nagtalo ang dalawa, gayun­man, agad naman silang naawat ni Labe, hanggang sa magpasya si Erlandez na ayain ang suspect sa kanilang barracks para magkape. Ilang sandali, muling bumalik sa inuman ang suspect at paglapit sa biktima ay agad niya itong pinagsasaksak sa katawan hanggang sa mapatay, bago tuluyang tumakas.

DIAMOND ST. JUNREY LABE LAS PI MONTVILLE PLACE PASCUAL FABREAG ROGELIO RAPADO JR. ROLLY ERLANDEZ SI RENE A
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with