Kelot itinumba ng riding-in-trio
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang lalaki na umano’y sangkot sa mga kaso ng robbery snatching ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-trio sa may Luzon Avenue, lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni  Senior­ Insp. Maricar Taqueban, hepe ng PIO Quezon City Police District, ang biktima ay nakilalang si Teddy Cruz, 36, jeepney barker at residente ng Brgy. Culiat sa lungsod.

Nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, kanto ng Luzon Avenue, Brgy. Culiat sa lungsod.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa lugar nang sundan ito ng dalawang lalaki at malapitang pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang dalawa sa motorsiklo na mina­maneho ng isa pa nilang kasabwat saka tumakas.

Hindi rin nakilala ang mga salarin dahil pawang mga nakasuot ang mga ito ng helmet.

Ayon kay Sarah Ogatis, kilala umano ang biktima sa kanilang lugar na madalas na nasasangkot sa robbery snatching at kamakailan lang ay nakulong sa barangay at pulisya, pero nakakalabas matapos na magpiyansa.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa lugar ang anim na basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Patuloy ang imbesti­gas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente.

AYON BRGY COMMONWEALTH AVENUE CULIAT LUZON AVENUE MARICAR TAQUEBAN QUEZON CITY POLICE DISTRICT SARAH OGATIS TEDDY CRUZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with