^

Patung-patong na kaso, isinampa vs holdaper na rapist

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patung-patong na kasong robbery, robbery with homicide at rape ang isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa nadakip na suspect na responsable sa pagpatay sa isang Korean national at serye ng panghoholdap sa mga maliliit na establisimento sa lungsod.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Joel Pagdilao, bukod sa nasabing mga kaso, kakaharapin din ng suspect na si Mark Soque, 29, ang mga kasong illegal pos­session of firearms, illegal possession of explosives, illegal­ possession of illegal drugs na nakuha sa kanya matapos maaresto.

Maaalalang si Soque ay positibong kinilala ng ilang saksi at mga naging biktima nito sa panggagahasa ma­tapos na madakip ng binuong ‘Task Force Park’ nitong Huwebes ng umaga sa may Ever Gotesco mall sa Brgy. Commonwealth.

Ang TF Park ay binuo dahil sa pagpatay kay Mi Kyong Park, isang Korean national na binaril ng suspect sa may Beanleaf coffeshop sa Brgy. Holy Spirit noong Lunes.

Sa panayam kay Yong­jeung­ Park, consul and police attache ng Korea nang magtungo ito sa Camp Karingal, satisfied naman umano sila sa nagawa ng kapulisan dahil sa maagap na pagresolba sa kaso ng kanilang kababayan.

Gayunman, hinihiling pa rin nila ang karagdagang mobile cars na magpa­patrulya sa mga lansangan sa lungsod, lalo na sa kahabaan ng Antonio St., dahil marami sa lugar ang mga Korean shops, restaurant, maging mga paaralan at naninirahan nilang kababayan.

Samantala, sabi ni Pag­dilao na nakipagpulong na sila sa mga Korean national kaugnay sa mga kaso ng krimen sa lungsod at ni­linaw niya na hindi naman malaki ang bilang sa halip ay bumaba pa anya ito.

ANTONIO ST. BRGY CAMP KARINGAL CHIEF SUPT EVER GOTESCO HOLY SPIRIT JOEL PAGDILAO MARK SOQUE SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with