Naagnas na bangkay nadiskubre

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bunsod ng masangsang na amoy, natuklasan ang naagnas na bangkay ng isang lalaki na hinihinalang nagpakamatay sa pamama­gitan ng pagbaril sa kanyang sarili sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Rejil Labanon, 25, ng #28 Unit-D, Mayami St., Upper Bernardo compound, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso, si Labanon ay natuk­lasan ng isang Eduardo Mojico matapos na maka-amoy ng masansang mula sa loob ng bahay nito, ganap na alas 8:30 Biyernes ng umaga.

Nang silipin ni Mojico mula sa bintana ang loob ng bahay ay saka niya nakita ang biktima habang naka-upo sa isang bangko ng sala nang walang buhay.

Agad na humingi ng tulong sa barangay si Mojico para tignan ang kalagayan ng biktima. Nang buksan ang pinto ay saka nabatid na ang biktima ay naagnas na saka tumawag ng pulis para sa pagsisiyasat.

Sa ginawang pagsisiyasat ng otoridad, natuklasan na ang biktima ay may tama ng bala sa gawing itaas ng kanang tenga nito, habang nasa tabi nito ang isang kalibre 22 na baril.

Sinasabing nitong December 29, 2014 ng alas 9 ng gabi ay isang residente ang nakarinig umano ng putok ng baril sa gawing bahay ng biktima, pero binale­wala lamang niya ito.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima ng alas 8 ng gabi nang nasabi ring petsa.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

BIKTIMA EDUARDO MOJICO MAYAMI ST. MOJICO NANG PASCUAL FABREAG PASONG TAMO REJIL LABANON UPPER BERNARDO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with