^

Metro

3 bangkay natagpuan sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong bangkay na pawang walang pagkakakilanlan ang natagpuan ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling-araw.

Bandang alas-12 ng madaling araw noong Miyer­kules nang ma­tagpuan ang nakasakong bangkay ng babae na naka-itim na t-shirt at pantalon sa bangketa ng panulukan ng Davides at Alvarado Street.

Pinaniniwalaang inatake sa puso ang babae dahil sa matinding lamig sa bangketa at posibleng walang kaanak na matuluyan.

Noong Martes ng hapon (Dec. 30) namatay naman sa Ospital ng Tondo ang isang lalaki na may edad 50–55, katamtaman ang pangangatawan, nasa 5’2’’ – 5’3’’ ang taas, maitim, kulot na kulot ang buhok.

Walang malay nang dalhin sa nasabing pagamutan ng dalawang lalaki na nagmalasakit subalit idinekla­rang patay ng mga doktor.

Samantala, bandang alas-10 ng umaga noong Martes ay natagpuang lumu­lutang sa Pasig River ang isang bangkay ng lalaki na inilarawan naman na may edad 35 hanggang 40, katamtaman ang katawan, may mga tattoo na Lito sa pusod, Ashley Pascua at Aimariz Bautista sa dibdib, Noel, Manok, Osang at Monching sa likod at SSC sa kanang binti.

Nabatid na itinawag sa Philippine Coast Guard ng Tug boat “Ariana” ang nakitang bangkay na lumulutang na pinaniniwalaang nalunod o nagpakamatay ang biktima dahil walang palatandaang pinatay.

vuukle comment

AIMARIZ BAUTISTA

ALVARADO STREET

ARIANA

ASHLEY PASCUA

BANDANG

LITO

NOONG MARTES

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with