BDO Unibank, BDO Capital pinangalanang Phl’s best
(Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang pahayagang The Asset ng Asya ay pinangalanan kamakailan ang BDO Unibank, Inc. (BDO) bilang Best Domestic Bank ng Pilipinas sa katatapos na The Asset Triple A Country Awards 2014 Southeast Asia.

Ang parangal na ito ng The Asset ay tinuturing na back to back win para sa BDO, na tumanggap rin ng ibang gan­timpala mula sa iba pang mga prestihiyosong pahayagan, tulad ng Euromoney, Asiamoney, The Banker, The Asian Banker, Finance Asia at Alpha Southeast Asia, bilang ang na­ngungunang bangko ng bansa.

Dagdag pa rito, ginawaran rin ng The Asset ang investment banking arm ng BDO, ang BDO Capital & Investment Corporation (BDO Capital), ng ikasiyam na magkakasunod na papuri bilang Best Domestic Investment Bank. Kinilala rin nito sa Best Deal category, kasunod ng citation ng  Century Pacific Food para sa P3.2-bilyong Initial Public Offering (IPO), na kung saan ang BDO Capital ay isa sa mga joint lead underwriters, kasama ng BPI Capital at First Metro Investment Corp.

Inianunsyo rin ng The Asset na ang BDO ay isa sa mga 57 elite companies ng Asia na mapaparangalan sa susunod na buwan sa The Asset Corporate Awards 2014.

 

ALPHA SOUTHEAST ASIA ASIAN BANKER ASSET CORPORATE AWARDS ASSET TRIPLE A COUNTRY AWARDS BDO BEST DEAL BEST DOMESTIC BANK BEST DOMESTIC INVESTMENT BANK CENTURY PACIFIC FOOD
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with