7 pulis kinasuhan sa pagkamatay ng pedicab driver
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -   Ipinagharap na kahapon  ng reklamong homicide sa Manila Prosecutor’s Office ang  pitong miyembro ng Manila Police Distric (MPD) kaugnay sa pagkakabaril sa isang pedicab driver na diumano’y aksidenteng nabaril habang ina­aresto sa pa-‘tupada’, sa Plaza Guwapo, Kahilum II, Pandacan, Maynila noong nakalipas na Disyembre 7.

Pawang mga tauhan ni MPD-station 10 commander P/Supt. Froilan Uy sina  C/Insp. Dennis Gimena, PO3 Shiela Tadlas, PO3 Reynaldo Felipe, PO2  Orville Resuello, PO2 Nino Anthony Alfonso , PO1 Rod Moralidad at PO1 Darwin Morales na isinangkot sa insidente ng pag-aresto na naging dahilan sa pagkasawi ng biktimang si Rassel Biligan, 36, residente ng  Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Napaulat kama­kailan na ang biktimang si Biligan ay isa sa subject umano ng anti-criminality operation ng mga tauhan ni Uy, na isinagawa alas 9:00 ng umaga noong nakalipas na Dis­yembre 7.

Sa kasagsagan umano ng sabong at tumataya ang biktima na walang damit pang-itaas ay dumating ang mga tauhan ni Uy na armado ng pistola at armalite at nag-warning shot ng dalawang beses hanggang sa makitang hawak na ang biktima ng isa sa mga pulis.

Nagulat na lamang ang mga tao nang makarinig muli ng putok at nakitang duguan na bumagsak ang biktima, na nagtamo ng  tama ng bala mula sa service firearm ng isa sa operatiba.

Sa halip umano na dalhin sa ospital ng mga pulis, iniwan itong duguan kaya ang live-in partner pa ng biktima ang  nagsugod sa kanya sa Manila Doctor’s Hospital.

Posible pang maharap sa kasong admi­nistratibo ang mga pulis at masibak naman ang hepe nila alinsunod sa prinsipyo ng  ‘command responsibility”.

Nabatid na ilang ulit nang tinatawagan sa MPD-station 10 ang mga nasabing pulis at pinupuntahan subalit hindi na sila nagdu-duty diumano.

 

DARWIN MORALES DENNIS GIMENA FROILAN UY KAHILUM MANILA DOCTOR MANILA POLICE DISTRIC MANILA PROSECUTOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with