Binata, patay sa tarak ng pinsan
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang pinsan matapos magtalo dahil lamang sa pagdaan sa bintana ng una para makapasok sa kanilang tinutuluyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, ang biktima ay nakilalang si Rommel Bernardo, 41, na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Mabilis namang pumuga ang suspect na pinsan na nakilalang si Peter John Re­b­lora, 44, na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Nangyari ang insidente sa tinutuluyang bahay ng biktima at suspect sa  Bautista St., Brgy. Pansol sa lungsod, ganap na alas- 11:30 ng umaga.

Ayon sa ulat magpinsang buo ang dalawa na nakatira sa iisang bahay.

Maaaring nagtalo ang mga ito tungkol sa susi sa bahay makaraang naunang nakita ng testigo na sa bintana dumaan ang biktima nang pumasok ito sa bahay.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang nasabing suspect.

AYON BAUTISTA ST. BRGY MAAARING MABILIS NANGYARI PETER JOHN RE RHIC ROLDAN PITTONG ROMMEL BERNARDO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with