^

Metro

Klase sa Rizal High School, suspendido dahil sa ‘bomba’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa Rizal High School sa Pasig City matapos na isang kahina-hinalang device na napagkamalang bomba ang natagpuan sa loob ng isa sa mga palikuran nito kahapon.

Sa ulat ng Pasig City Police Explosives and Ordnance Division (EOD), nabatid na pasado alas-9:00 ng umaga nang ma­diskubre ng mga estud­yante ang naturang device sa loob ng paaralan na matatagpuan sa Dr. Sixto Antonio St., sa Brgy. Caniogan, Pasig City.

Ang naturang device ay gawa sa cellular phone, batteries, analog watch at mga wiring, na kinabitan ng limang pirasong improvised na dinamita na gawa sa card board at pulang crepe paper.

Kaagad namang pinalabas ng pamunuan ng paaralan ang mga estudyante, mga guro at lahat ng empleyado at ipina­siyasat ang natagpuang device sa mga awtoridad.

Nang suriin, lumitaw na walang panganib na sumabog ang device dahil buhangin lamang ang laman nito kaya’t ayon sa mga awtoridad ay tiyak­ na pananakot lamang ang motibo ng pag-iiwan ng device sa palikuran.

Sa kabila naman nito, inins­peksyon pa rin ng mga awtoridad ang bisinidad ng paaralan upang matiyak na wala talagang banta ng pambobomba roon.

Inaalam na rin ng mga awto­ridad kung sino ang may kagagawan ng naturang pananakot.

vuukle comment

BRGY

CANIOGAN

DEVICE

DR. SIXTO ANTONIO ST.

INAALAM

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

RIZAL HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with