No. 2 most wanted sa Southern Metro Manila, arestado

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Southern Police District (SPD) ang number 2 most wanted criminal sa Southern Metro Manila at sangkot umano sa ilang serye ng pangangarnap ng mga motor­siklo at pagnanakaw, kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City. Kinilala ni Chief Supt. Henry Ranola Jr., director ng SPD ang akusadong si Jericho Pagkalinawan, alyas Jericho, ng Brgy. Bayanan ng naturang lunsod.

Base sa report na natanggap ni Chief Supt. Ranola, alas-5:00 ng hapon nang madakip si Pagkalinawan sa Bautista St., Brgy. Bayanan ng naturang lungsod ng operatiba ng Intelligence Division ng SPD sa bisa ng warrant of arrest na inisyu  ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC).

Ayon sa pulisya, itinuturing nilang number 2 most wanted criminal ng SPD ang nadakip na si Pagkalinawan dahil sa pagkakasangkot sa serye ng karnap. May standing warrant of arrest din ito sa kasong attempted murder na inisyu ni Judge Philip Aguinaldo, ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC), Branch 207.

BAUTISTA ST. BAYANAN BRGY CHIEF SUPT HENRY RANOLA JR. INTELLIGENCE DIVISION JERICHO PAGKALINAWAN JUDGE PHILIP AGUINALDO MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT PAGKALINAWAN
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with