^

Metro

Binata na-depress, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na binata ang nagpatiwakal dahil umano sa matinding depression, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH)  ang biktimang si  Samuel Orlaen, helper sa Pasay City Public Market,  na matatagpuan sa Libertad St., ng naturang lungsod.

Sa report  ng pulisya, alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ng kanyang ina ang nasawi  na nakabigti   sa loob ng kuwarto nito gamit ang nylon cord.

Humingi ng tulong ang ina ng biktima sa ilang kasamahan sa bahay, dali-dali ibinaba at kinalag ang tali sa leeg nito  at  dinala sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, may depression umano ang biktima at posibleng ito ang nagtulak sa kanya para kitlin ang sariling buhay. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

CITY

HUMINGI

ISANG

LIBERTAD ST.

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY PUBLIC MARKET

PATULOY

SAMUEL ORLAEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with