_ngayon
^

Granada nakuha sa bahay ng konsehal

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang lumang MK2 fragmentation grenade ang natagpuan sa garahe ng bahay sa lungsod Quezon  ng isang konsehal buhat sa lalawigan ng Daet, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Explosives and Ordnance Division (QCPD-EOD), ang granada ay natagpuan sa garahe ng bahay ni Councilor Joseph Christopher Panotes, ng Daet Camarines Norte na matatagpuan sa Lagro Sub­division, Quezon City.  

Base sa ulat ng QCPD-EOD, bago ito, alas- 5:45 ng umaga­ naglalakad si Panotes at kanyang asawang si Marissa sa kanilang garahe nang mapuna nila ang granada sa pagitan ng dalawang sasakyan nilang Honda CRV. Agad na humingi ng tulong ang mag-asawa sa QCPD Station 5 na siyang tumawag ng EOD para sa technical assistance.

Sa pagresponde ng pulisya ay agad na nagsagawa  ng render safe procedure (RSP) sa nasabing granada na nabatid na  isang MK2 fragmentation hand granade.

Sinasabing wala nang pin ang granada at masuwerteng hindi sumabog bunga na rin anya ng kalumaan.

Hinala ng awtoridad na inihagis ang granada sa lugar sa pagitan ng alas- 12 ng hatinggabi at ala-1 ng madaling araw kung saan wala dito ang nasabing konsehal. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya  sa nasabing insidente.

AYON COUNCILOR JOSEPH CHRISTOPHER PANOTES DAET DAET CAMARINES NORTE HINALA ISANG LAGRO SUB QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with