Beybi nadaganan ng tiyuhin, patay

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Pinaniniwalaang  nadaganan ng hita  ng kanyang  tiyuhin ang  isang  buwang sanggol sa Paco, Maynila kahapon ng madaling araw na naging sanhi ng kamatayan ng huli.  Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital  ang biktimang si Akira Morita, 1-month at 3 weeks old,  ng 1st St., Fabie Subd., Paco, Maynila habang  ang tiyuhin naman na nakadagan sa sanggol ay si Antonino Jurado, 28, pinsan ng ina ng nasawi na hawak na ngayon ng Manila Police District (MPD). Sa report ni Det. Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section dakong alas-2:50 ng madaling araw nang natagpuang patay ang sanggol sa loob ng kanilang bahay. Ayon kay Jennalyn Jurado, 33, ina ng beybi dakong alas-9:00 kamakalawa  ng gabi nang iwan niya ang kanyang anak sa kanyang pinsan  upang alagaan ito. Sinabi naman ni  Emma Jurado, 65, lola ng  biktima, pina­dede pa niya sa bote ang  sanggol hanggang sa iwan niya ito sa duyan. Dakong alas-3 naman ng madaling araw nang makita niya si Antonino katabi ang  sanggol  na hindi na humi­hinga. Posible umanong kinuha sa duyan ni Antonino ang  sanggol at itinabi sa kanya hanggang sa hindi nito namalayan na nadaganan niya ang sanggol. Dito na ginising ni  Emma si Antonino na nagulat naman sa nangyari.

 

AKIRA MORITA ANA HOSPITAL ANTONINO ANTONINO JURADO CHARLES JOHN DURAN EMMA JURADO FABIE SUBD MANILA POLICE DISTRICT
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with