^

Metro

Lolo patay sa ligaw na bala

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 60-anyos na lolo matapos itong tamaan ng ligaw na bala na ang dapat sana ay sa isang 17-anyos na binatily,o kahapon ng madaling-araw sa Pasay City

Alas-7:45 kahapon ng umaga nang bawian ng buhay ang biktimang si Jimmy Fiel, naka­tira sa Interior Emma St., ng naturang lungsod habang nilalapatan ito ng lunas sa Pasay City General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib.

Samantala, ang puntirya  talaga ng pamamaril ay nakilalang si Norwel Ortega,  alyas Pango, 17, ng naturang lungsod na kaagad na nakatakbo.

Nadakip naman ng Pasay City Police ang suspek na si Jeric de Asis, 22.

Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ni Police Chief Inspector Angelito De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), naganap ang insidente alas-3:14 ng ma­daling-araw sa kahabaan ng Tramo St., Zone 7, Brgy.  60 ng naturang lungsod habang nagbibisikleta ang biktima  patungong Pasay Public Market sa Libertad St. ng tamaan ng ligaw na bala na pinakawalan ng suspect.

Sinasabing sakay sa motorsiklong walang plaka ang suspect at hinahabol si Pango na pinauulanan nito ng bala.

Hindi tinamaan ang binatilyo kundi ang nabaril ay ang nagbibisikletang si Fiel na duguang bumagsak sa semento.

Ang suspek naman ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang pamamaril at  sa isang follow-up operation na isinagawa ng mga kagawad ng Pasay City Police ay nadakip ito.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng mala­limang imbestigasyon ang pulisya at inaalam na rin ang motibo nang pamamaril  sa bina­tilyong si Pango.

vuukle comment

INTERIOR EMMA ST.

JIMMY FIEL

LIBERTAD ST.

NORWEL ORTEGA

PANGO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with