_ngayon
^

Pintor hinataw ng baseball bat, todas

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wasak ang ulo ng isang 33-anyos na pintor nang hatawin ng da­lawang beses ng stainless na baseball bat ng isang empleyado umano ng gymnasium­, sa Paco, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Charles John  Duran ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Danilo Pecayo, pintor sa isang construction site, at residente ng no. 1340 A. Burgos St. Paco, Maynila.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng sus­pek na  may hawak ng baseball bat na sinasabing nagtatrabaho umano sa Lawis Gym Equipment at tatlo pang kasamahan nito na nagsitakas matapos duguang bumagsak ang biktima.

Isang testigo ang nagsabi sa mga imbes­tigador na nakita niyang nagbabatuhan ang bik­tima at ang suspek na taga Lawis Gym dakong alas-7:30 ng umaga­  hanggang sa muli niyang ma­kita na may hawak na ang suspek na stainless na baseball bat at may kasama na ang tatlo pang lalaki na humabol sa biktima at dalawang ulit na hinataw sa ulo sa bangketa sa panulukan ng Pedro Gil at Pre­sident Quirino Ave­nue, sa Paco.

Lumapit pa umano ang biktima at pinukol ng hawak na bato ang suspek at siya naman ang inatake ng baseball bat sa ulo.

Nang bumagsak ito sa bangketa na duguan ay muli pang tatayo kaya hinataw muli ng baseball bat at tuluyang sumubsob.

Ayon pa sa testigo, habang nagbabatuhan ay nagpapalitan ng sa­lita ang suspek at biktima sa salitang “Bisaya” kaya hindi niya naintindihan kung ano ang pi­nag-aawayan.

Nagsasagawa naman ng follow-up ope­ration ang Homicide Section at dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral Services para sa awtopsiya.

BURGOS ST. PACO CHARLES JOHN DANILO PECAYO HOMICIDE SECTION LAWIS GYM LAWIS GYM EQUIPMENT MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAYNILA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with