3-anyos na paslit dinukot ng bading na yaya
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kinidnap ang isang 3-taong gulang na batang lalaki ng kaniyang yaya na isa umanong bading sa San Andres, Malate, Maynila.

Sa reklamong idinulog kay PO3 Adonis Aguila ng Manila Police District-Ge­neral Assignment Section ng mag-asawang sina  Jayson Jervoso, 30; at Jessel Lazarna, 28, ng  BF Muñoz St., San Andres, Manila, Biyernes­ umano ng alas-2:45 ng hapon nang maglaho ang suspek na si Esmeraldo Operario, kasabay ng pagkawala ng kanilang anak na si Miguel.

May  2 buwan pa lamang umano na namamasukan bilang tagapag-alaga ng kanilang anak ang suspek  na anila dahil sa tagaroon din ito sa kanilang lugar kaya pinagkatiwala nila rito ang kanilang anak at mabait  umano ito sa kanila.

Sa pagkawala ng suspect at ng kanilang anak ay kasabay ding nawala ang ilan nilang mahahalagang gamit tulad ng cellphone at Ipod   habang sila ay nasa trabaho.

Nadiskubre nila na kababalik lamang sa kanilang lugar ng suspek dahil may 10 taon umano itong namalagi sa lalawigan ng Bicol.

Ayon sa MPD-GAS, ang mga magulang ng biktima ay piniling ituloy ang reklamo sa Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police headquarters sa  Camp Crame para sa pagsukol sa suspek at mabawi ang kanilang anak.

ADONIS AGUILA ANTI-KIDNAPPING GROUP ASSIGNMENT SECTION CAMP CRAME ESMERALDO OPERARIO JAYSON JERVOSO JESSEL LAZARNA SAN ANDRES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with