Parak, 7 pang ‘Gapos gang member’ arestado
.Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang pulis at pito pa niyang kasama na sina­sabing miyembro ng ‘Gapos gang’ ang  naaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief  Supt. Mario Rariza hepe ng  Eastern­ Police District (EPD) ang mga nadakip na suspek na sina SPO1 Rolando Baltazar at mga kasamang sina Rhandy Marcellano, 32, Roderick Marcellano, 41,  Rhoda Marcellano, 36, Enrico Espinoza, 25; Jessie Malicdem, 32; Edgar Giangan, 33 at Myrna Cilo 40.

Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant  of arrest na ipinalabas ni Executive Judge Danilo S. Cruz  ng Pasig RTC Branch 152 dahil sa kasong pagnanakaw.

Sinasabing kilabot na miyembro ng ‘Gapos gang’ ang mga nabanggit.

Ganap na alas-5:15 ng hapon kamakalawa  nang dakpin ng mga awtoridad ang mga suspek sa kanilang hide-out  sa P. Licsi St, Brgy. Caniogan kung saan nakuha sa mga ito ang ilang sachet ng shabu, baril,  bala at granada.

Sinasabing modus ng grupo ang manloob sa mga target nilang kabahayan kung saan igagapos ang mga biktima saka mangungulimbat sa buong kabahayan.

Nakakulong ngayon sa Pasig PNP ang mga suspek at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.

EDGAR GIANGAN ENRICO ESPINOZA EXECUTIVE JUDGE DANILO S JESSIE MALICDEM LICSI ST MARIO RARIZA MYRNA CILO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with