^

Metro

Turistang Hapones hinulidap ng 4-pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang masamang batik at imahe sa turismo ng bansa ang naganap na holdapan laban sa 41-anyos na turistang Hapones na naging biktima ng apat na pulis na tinaguriang hulidap sa bahagi ng Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa reklamong idinulog sa Manila Police District-General Assignment Section, inilahad ng biktimang si Handa Makasaki ng Kyoto­, Japan, at pansamantalang nanunuluyan sa Tune Hotel sa Mabini Street, Ermita nang sumilong ito sa waiting­ shed na malapit sa nasabing hotel nang lapitan ng nakaunipormeng pulis na walang name plate.

Pinagsabihan siya ng uni­pormadong pulis na ba­wal ang tumambay at hinanapan siya ng passport kung saan pinapunta sa nakaparang van na may kumbinasyong itim at puti.

Nang papasukin ang biktima ay may tatlong lala­king naka-unipormeng pulis na sakay ay kinuha ang kaniyang mga kagamitan at wallet kabilang na ang cellphone, laptop, at malaking halaga saka siya inutusang bumaba habang nakatutok ang baril.

Sa naging pahayag sa imbestigador ng security guard ng Tune Hotel, maputla at tumatakbong pa­­balik sa hotel ang biktima kung saan hindi naman ma­­intindihan ang sinasabi kaya nagpahanap ng interpreter upang maintindihan ang ka­niyang inirereklamo.

Dahil dito, sinamahan siya ng security guard para magsampa ng reklamo sa pulisya. (with Patrick Roy Andal)

DAHIL

ERMITA

HANDA MAKASAKI

HAPONES

MABINI STREET

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

PATRICK ROY ANDAL

SHY

TUNE HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with