^

Metro

1 pang klinika para sa mga HIV patients sa QC, itatayo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang higit na maprotektahan ang kalusugan ng mga kalalakihan, magtatayo pa ng isang gusali  ang Quezon City govern­ment para dagdagan ang kasalukuyang QC’s male-focused sexual health care facility  ang ‘Klinika Bernardo’ sa  Novaliches sa naturang lungsod.

Ang pagkakaroon ng isa pang ‘Klinika Bernardo’ na kinikilalang kauna-unahang  first male sundown clinic sa bansa ay bahagi ng patuloy na commitment ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng sapat na gamutan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga kalalakihang taga -QC na may sakit na  HIV.

 “This is a fitting testament that the city government is concerned with addressing the needs of people living with HIV,” pahayag ni QC Mayor Herbert Bautista.

 Sinasabing ang itatayong ikalawang  klinika  ay makikita sa  Novaliches na tatawaging ‘Klinika Novaliches’ ay inaasahang mag-ooperate ngayong taon. Ito ay itatayo malapit sa town plaza na lalagyan ng mga  HIV testing facilities at pangangasiwaan ng mga medical at clinical personnel  ng  city health department kasama na ang mga  trained peer educators  na magbibigay ng libreng counseling sa mga HIV patients.

Sa ngayon, patuloy ang pagpupursigi ng QC government na ayusin at pagandahin ang kasaluluyang ‘Klinika Bernardo’ bilang country’s premiere place para pagalingin ang mga may sakit na STD/HIV/AIDS.

Ang Klinika Bernardo ay makikita sa likod ng Ramon Magsaysay High School sa Cubao na bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas- 3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi .Ito ay nagkakaloob din ng diagnostic, treatment at referral facility sa mga pasyenteng may sexual related diseases.  

 Sinabi ni Dr. Rolly Cruz ng city health department,  naglaan ang lungsod ng P15 million para sa HIV/AIDS control program ngayong  2014.

Noong 2013 ang QC ay nakapagtala ng 492   HIV cases  at patuloy ang pagtaas  ng bilang ngayong taon kung saan mga lalaki ang may  pinakamaraming pasyente ng naturang sakit.

ANG KLINIKA BERNARDO

DR. ROLLY CRUZ

HIV

KLINIKA BERNARDO

KLINIKA NOVALICHES

MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with