Salvage victim itinapon sa bakanteng lote

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang  biktima ng salvage ang isang lalaki na may dalawang tama ng bala ng baril sa ulo na natagpuan ng mga batang nag­lalaro sa may bakanteng lote sa Brgy. Patayas, ayon sa pulisya kahapon.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad na 50-55, may taas na 5’4, Moreno, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na T-shirt na may imprentang Dynamic Engine Rebuilders.

Ayon kay SPO2 Pascual Fabreag, alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may bakanteng lote ng Palatao compound, Majaas St., ng naturang barangay.

Sinasabing naglalaro ang mga bata sa naturang lugar nang makita nila ang bangkay, kung kaya agad na ipinabatid ito sa barangay.

Nakarekober naman ang Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) sa crime scene ng dalawang basyo ng kalibre 45. 

Patuloy na inaalam ng otoridad ang pagkatao ng biktima.

 

AYON BRGY DYNAMIC ENGINE REBUILDERS INILARAWAN MAJAAS ST. MORENO NAKAREKOBER PASCUAL FABREAG SCENE OF THE CRIME OPERA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with