^

Metro

Ginang na OFW, tinangayanng bagahe ng sinakyang taxi

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang na Overseas Filipino Worker (OFW) ang natangayan ng kanyang mga  bagahe ng sinakyan nitong taxi,  kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

 Halos manlumo nang magtungo sa himpilan ng Pasay City Police Station ang biktimang si Alma­liza Va­leriano, 29, tubong-Tugue­garao, Cagayan at nani­ni­rahan sa Alvarez St.,  Pasay City.

Sa naging pahayag ng biktima kay Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Station­ Investigation and Detective Management Section (SIDMS), alas-9:30 ng gabi nang parahin nito ang isang taxi na may plakang TXP-530 sa panulukan ng Tramo at  Gil Puyat Avenue ng  nasabing lungsod  kasama ang kanyang pinsang si Maricel Pangan.         

Inilagay umano nila sa compartment ng taxi ang kanilang mga bagahe.          

Pagdating sa kanilang bahay ay bumaba ang biktima  kasama ang pinsang si Pangan at nang kukunin na niya ang kanyang mga bagahe sa compartment ay biglang pinaharurot ng driver ang minamanehong taxi.

Ayon sa biktima, ma­raming mga mahahalagang gamit ang nakalagay sa bagahe nito tulad ng laptop, passport at mga alahas.

Nabatid, na halos wala pang isang linggo sa Pilipinas ang biktima at kailan lang ito dumating mula sa Canada.

Sinabi pa ng biktima na nakatakda sana siyang umuwi­ ng Cagayan upang pasyalan ang kanyang mga magulang kaya’t kabilang sa mga bagahe na natangay ng driver ang mga pina­miling pasalubong sa kanyang mga mahal sa buhay.

 Dahil dito, humingi naman ng tulong ang biktima sa pulisya at kasabay na na­nawagan ito sa taxi driver na isauli na lamang ang kanyang mga mahahalagang papeles na nakalagay din sa isang bag na kasama sa tinangay nito.  

Samantala makikipag-ugnayan naman ang mga pulis  sa Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) kung sino ang operator ng nasabing taxi upang madakip ang suspek.

 

vuukle comment

ALVAREZ ST.

CHIEF INSPECTOR JOEY GOFORTH

GIL PUYAT AVENUE

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

LAND TRANSPORTATION REGULATORY BOARD

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with