Ina binigti ni tatay na adik
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinalabas na nag-suicide ang 23-anyos na misis para ikubli ang krimen ng kanyang mister na sinasabing adik sa bawal na droga matapos isiwalat ng kanilang anak na batang lalaki ang tunay na pagkamatay ng kanyang nanay noong Linggo ng Mayo 11 sa Barangay Old Balara sa Quezon City.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Fortunato de Guzman, 26, criminology student matapos nitong bigtihin ang kanyang asawang si Delaila de Guzman, isang guro sa University of Manila.

Ayon kay PO3 Hermogenes Capili, ang mismong anak ng mag-asawa ang nagsiwalat sa kanyang lola kung papaano binigti ng suspek ang kanyang nanay sa kanilang bahay sa nasabing lugar noong Linggo (Mayo11).

“Ang kaso ay hindi rin ini-report sa pulis o sa barangay. Nalaman na lang ng barangay ang pagkamatay noong nakaburol na ito,” pahayag ni PO3 Capili.

Lumilitaw sa awtopsiya sa biktima na may galos sa kanyang mga braso gayundin ang bakas ng pananakal sa kanyang leeg.

Base sa pahayag ng mga kapitbahay, ang mag-asawa ay madalas na mag-away dahil sa problemang pinansyal at ang pagiging drug adik ng suspek.

AYON BARANGAY OLD BALARA CAPILI DELAILA GUZMAN HERMOGENES CAPILI KANYANG LINGGO QUEZON CITY UNIVERSITY OF MANILA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with